Short post lang.
Labels: ANO BA, ETO SA BABA YUNG TOTOONG POST KO..
Kamusta na? Ayokong mag english ngayon dahil wala lang.. Wala akong pakialam kung mapuno man ng typo error to.. gusto ko lang magtype ng magtype ngayon at sabihin ang mga kung anumang uusbong sa utak ko.. Jologs mang pakinggan, okay lang.. Haay, tingin ko pa naman kasama ako sa mga conyo.. haha.. Personal blog naman to kaya wala akong sinusunod na mga guidelines sa pag ba-blog.. maaaring nasa coma stage ang blog ko ngayon dahil mejo napapabayaan ko to dahil sa sobrang pagkakasubsob ko sa pag aaral.. Maaaring one fourth nalang ng readers ko ang bumabalik dito at sa “one-fourth” na yun, one-eight nalang ang nagtatyagang mag comment.. ( sa mga nagcomment at mag co-comment, SALAMAT HA!!! )
Nakakaengganyong sundin ang mga payo ni pinoyblogero sa blog nya.. (ayokong ilagay ang link, tinatamad ako.. hehe) kung pano buhayin ang mistulang namatay mong blog, pero ayoko.. may sarili akong paraan para makabalik.. hindi naman parang channel 2 at 7 itong blog ko na kailangang mag number one sa ratings para lalong putaktihin ng mga advertisers. Hindi nabubuhay sa mga advertisers ang blog ko, hanggat may pakialam ako dito at may natitira manlang na kahit isang interesadong magbasa ng mga post ko, mananatiling buhay ang mumunting tahanan ko sa cyberspace.. Siguro naiintindihan nyo naman kung bakit ganun.. kailangang mag aral para pumasa, di biro ang tuition na binibigay ni mama at papa.. hehe.
P.S
Walang kinalaman yung Tittle sa post ko.. wala lang akong maisip na magandang tittle.. Favorite ko lang banggitin yung anak ng potassium na Operation na yun.. Medical term yun.. hehe.. tutal marami naman sa inyo ang may tawag sakin na Nurse Dan











Haha. Amp. Napeke ako ng post mo. Haha. Anyway, pansin ko ngang GC ka talaga. Haha.
i like the header. christmas na dito. haha. for a couple of weeks, na coma din blog ko haha. okay lang yan, kasi kahit umalis ka at bumalik… andito pa rin kami noh. oh hinay hinay lang sa pagaaral.
HEHE… ka2wa k nmn.. na peke rn acoh dun.. gmgawa xe coh case study… e2 title ng case study coh.. la acoh mkitang maganda info.. hayss..