May mga pagkakataong natatakot ako sa sarili ko.. Minsan kasi, may mga gusto akong bagay na may pagka unreasonable na ang dating.. dont get me wrong, pinalaki ako nila mama na may control sa pera at iba pang bagay.. Namulat ako sa reyalidad na ang pera ay nakukuha sa pamamagitan ng matinding pawis at sakripisyo.. pero minsan, hindi ko maiwasang maghangad pa ng iba.. siguro, nasa unconscious mind ko na yung nanjan naman si papa para ibigay ang gusto ko.. pero minsan kasi, nakakalimutan ko na nagtitiis si papa sa london para ibigay ang gusto namin, ang mapunan ang mga pangangailangan namin, sa pang araw araw, at pang edukasyon. Maswerte kami, dahil may kakayanan sila mama at papa na ipadala kami sa pribadong paaralan at kolehiyo..
Natutuwa pa rin naman ako sa sarili ko dahil sa kabila ng pagiging mapaghangad ko sa bagay, maging sa materyal man o sa ibang aspeto.. napipigil ko naman ang aking sarili.. natutuwa ako dahil naisasabuhay ko ang kinalakihan ko sa aming pamilya.. ang mga itinuro nila mama.. isipin mo to, natalo ako sa laban ko sa aking sariling konsensya,. ngunit sa kabila nito, AKO pa rin ang PANALO…
Isang sabado ng umaga, nagising ako at naaubatan si mama na kausap si papa sa telepono.. ang aking bunsong kapatid ay nasa kusina at naglalaro ng kanyang nintendo DS.. ang aking ibang kapatid ay nakahiga pa sa kanya kanyang kama. Ako naman ay nagbukas ng computer para magbasa ng mga blog na nakagawian ko na… Tinawag ako ni mama sandali dahil nasa labas ng bahay ang mga bakal bote boys.. pagkakataon na namin para maidispose ang mga nakakalat na karton.. ang hindi mabilang na lata ng coke na pinaginuman nila mama, lola at mga kapatid.. kung tutuusin, nag uumapaw ang mga lata ng coke.. grabe silang uminom.
Pinanood ko lang ang dalawang batang lalaki habang iniipon ang mga karton at lata ng coke.. tinali nila at kinilo.. bingo, may pera na… naipagbili ko ang kalat sa likod namin sa halagang 156 pesos.. bigtime ang mga bata nung araw na yon,, ang dami nilang nabili sa amin at may tubo sila dun pag naibenta nila yon, masaya ako at natulungan namin sila. sapat na ang kita nila sa maghapon.. napag isip isip ako, na mahirap talaga mabuhay dito sa mundo.. mahirap mabuhay sa pilipinas.. lumaki akong ang tanging responsibilidad ay tingnan ang aking mga nakababatang kapatid, mag aral ng mabuti at maging mabait sa magulang.. habang tumatanda ako.. lumalawak pa ang aking responsibilidad.. pero silang mga bata, na sa murang edad ay napakalaki na ng responsibilidad sa balikat, ay kailangan ng magpainit sa araw para lamang makasunod sa hamon ng buhay.. Hinahangaan ko sila.. marahil hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa nila.. Inaamin kong maselan akong tao at minsan ay may mga reklamo pero alam ko ang halaga ng bagay at buhay dito sa mundo. Malaki pa rin ang pagpapasalamat ko sa diyos para sa buhay na ibinigay niya sa akin at sa pamilya ko.. sa isang buhay na masaya,.
hanggang ngayon, patuloy pa rin akong naghahangad.. na sana ay maabot ko ang kung ano man ang minimithi ko sa buhay.. naghahangad ako dahil alam kong may magagawa pa ako… alam kong para ito sa ikabubuti ko at ng mga taong mahal ko, ngayon at sa hinaharap
Recent Comments