nakakapagod. nakaka-stress. nakakaiyak. ito na ang tunay na buhay..
mahirap, hindi fairy tale, gaya ng pinangarap ng marami.. hindi ideal katulad nung in-demand pa sya.
mahirap maging registered nurse. sulit ang salitang “reklamo” sa dami ng masasabi mo..
minsan, naiisip kong napaka istupido ko sa kabila ng aking mga daing. na napaka-impokrito ko para hindi maging handa.. pinaghandaan ko ang propesyong ito sa loob ng apat na taon. alam kong mararanasan ko ito. pitong buwan akong naghanda para sa board exam.. nagdasal, umiyak uli, hindi natulog, nag aral.. mas pagod ang utak kaysa sa katawan.. sa awa ng maykapal – pumasa sa unang take lang.. – para mapabilang sa mga alagad ng medisina.
hindi ko maiwasang maging mapanaghoy minsan. kahit pinaghandaan ko ang trabahong ito. sa likod ng lahat, tao pa rin ako.
may demanding na doktor, may mabait. may mapagkumbabang pasyente, mayroon din namang mapagmataas. may salbaheng bantay, at mayroon din namang nagpapakita ng pagpapasalamat sa kabutihang nagawa ko sa pasyente nila. ibat ibang klaseng tao, ibat ibang klaseng ka-trabaho.
dito masusubok ang pasensya mo. ang tibay ng loob. mararanasan mo ang pagpapakitang malakas at matibay ka, sa panlabas.. ngunit umiiyak ang kaluluwa. hindi mo na pala kaya.
noong ako’y nag aaral pa, hindi ko maitatanggi na hindi biro ang nagastos ng aking mga magulang.. nalulula ako sa laki, madugo ang bayaran. kung tutuusin, pang mayaman talaga ang kursong napili ko..
ngayong isa na akong ganap na propesyunal, staff na ika nga.. nalulungkot akong isipin na ni wala sa kalingkingan ng tuition ko ang aking sinusweldo.. pwede na, ayos, pag SINGLE ka. pero pano yung mga nurse na may pamilya? pano yung mga nurse na iginapang lamang ng kanilang mga magulang na umaasang mababawi din nila ang kanilang puhunan na hanggang ngayon ay lumalaki pa lalo ang interes dahil hindi pa bayad lahat??
kung tutuusin, maswerte pa rin ako.. hindi ako “required” mag intrega ng sweldo.. hindi umaasa ang pamilya ko sa akin. sarili ko lang ang iniintindi ko. allowance ko ang sweldo ko.. kaya naeenjoy ko. e pano na yung mga bread winner ng pamilya nila? napapaisip ako talaga.
noong estudyante ka palang.. halos mamatay ka na kaka- aral ng anatomy.. lahat ng muscles, buto, cells lahat na kinakabisado mo. mahirap talaga.. toxic. maiisi mo na lang, nagdu-doktor ka ba? Funda, Maternal and child, Medicine, Surgery..Ibat ibang klase ng guro at pasyente.
Ang sampung block nung first year, apat na lang pag graduate. Survivor ka.
Ngayon, dadaan ka naman sa butas ng karayom sa ilalim ng mga mata ng Board of Nursing. Sisiksikin lahat ng pinag aralan, re-review-hin lahat ng inaral sa loob ng apat na taon.. nakakamatay na pagsusulit na binubuo lang naman ng limandaang tanong.
pag sinwerte. winner. isa ka ng ganap na nurse..
bilang isang staff, mapapaisip ka talaga. hindi na ako nagulat na karamihan sa mga hindi pumasa at MGA pumasa sa board ay call center agents na ngayon.. kahit ako, kinonsidera ko yun. depende na lang talaga sa iyo kung mamamayani ang pagmamahal mo sa mga maysakit, at sa nasumpaang tungkulin.
Hindi na ito isang laro, hindi ka pwedeng magdabog sa kabila ng iyong umiiyak na damdamin. naubos na pride at pagkatao. minsan nanliliit ka. ayos lang.
naisip ko na lang, napapagod ako. nalalait. pero sa kabila ng lahat, may buhay akong naisasalba. nadudugtungan ko ang pinakaimportanteng regalo na naihandog ng panginoon sa atin. alagad ako ng medisina, nagliligtas ng buhay.. sapat ng dahilan para higpitan ko pa ang aking kapit (:




Recent Comments